Thursday, June 30, 2005

Boyfriend Material (Prequel to the apartment-hunting misadventures)

Pano mo masasabing “boyfriend-material” ang isang guy? :

Imagine this… 2 girls and 1 guy…

Scenario 1: Habang naglalakad sa may sidewalk, may narinig silang ingay sa likod nila, tipong parang may away or something. Guy suddenly holds the 2 girls’ shoulders… yung tipong feeling nila ihahawi sila sa gilid pra makatakbo sya at iwan silang dalawa…

Miss Etiquette’s politically correct reaction: “Baka naman nagulat lang…”

Lolang laging nakiki-alam ‘s violent reaction : “Langyang lalake yan! Tumili ba sya nung narinig nya yung sigawan?! ‘Nak ng…. Damuhong bata!!!”


Scenario 2: Habang naglalakad sa kalsada, may nakita silang asong kalye. Medyo lumapit yung aso sa dalawang girls, around 2 feet. Both of the girls say “Takot ako sa aso”. Meanwhile, itong si lalaki is about 10 feet AHEAD sa dalawang girls (halatang lumalayo sa aso), sabay he looks back and says “Ako din, takot sa aso…”

Miss Etiquette’s politically correct reaction: “Baka naman di sinasadyang mauna…Ang lalaki kase usually mabilis tlaga maglakad….”

Lolang laging nakiki-alam ‘s violent reaction : “Anu ba yan… Nung panahon namin ang lalake dapat laging nasa likod ng babae pag naglalakad… Kabataan nga naman… @$*#%^$#@!!!! ”

So, boyfriend material ba? Hahahaha….

Is chivalry really dead? I hope not…

Haggard…haggard… haggard… (our apartment-hunting misadventures…)

Kakapagod… Naghanap kme ng officemate ko ng apartment na malapit sa office. Tagal na naming plano yun, pero kanina lang tlaga kame “nag-seryoso”. Sakit sa paa!
Ito ang mga lugar na ginalugad namin plus our misadventures:

1) “Belle-area” / “Bert-area”
Ito ang pinaka-priority namin, since pwede kaming magpadaan sa service. Pwede din syang lakarin, dahil malapit lang sa office. Mukha din syang safe kahit papaano. Meron kaming nakitang 2 apartment dito dati nung nagpasama kame ke “boyfriend-material” (teka, di ko pla nakukwento to… some other time....…). Maluwag pareho yung nakita naming dati na apartment, kaso mahal. ngayong araw, sinuyod na namin tong area na 'to, wla nang ibang apartment.

Misadventure #1: “Miss, gusto nyong sumakay?”
Habang naglalakad sa street malapit sa “Belle-area”, may sasakyan na tumigil sa tabi namin. Nagbaba sya ng bintana sabay sabing… “miss, gusto nyong sumakay?” ANAK NG?!!! GRRR…. Nakita nung officemate ko yung face nya, ako hindi. (busy ako sa paghahanap ng batong ipupukpok sa kanya…) Hay naku! Hirap talagang maging maganda… hahahaha… of course, not referring to myself… I meant yung officemate ko… she’s kinda pretty… =)

2) “Rajah-area”
the next-best-thing to the “Belle-area”. Medyo malayo ng konti… ok, omit “medyo”… malayo sya, period…. As in mahabang lakad… Medyo di rin ako tiwala sa safety nung place. Sabi ng isa kong officemate, may isang area daw dun na may nakita syang nagrambol… talk about safety! Ok, omit “medyo”…. Hindi sya ganun ka-safe, period.

May nakita kaming 2 possible apartments na tama lang sa budget namin. We’ll see pa kung may makikita pa kame sa ibang lugar… next agenda is anywhere near market-market.

Misadventure #2: “Manong, may sinalvage ba dito?”
Habang naglalakad sa “Rajah-area”, may manong na tumulong sa amin at tinuro sa amin ang isang apartment. After talking dun sa tao dun sa apartment, nakita uli namin c manong. Sabi nya, meron daw syang room for rent, baka gusto daw naming makita. Oh, what the hell! Seems like a nice guy, wala naman cgurong mawawala kung titignan namin…db?!
Pagkalabas na pagkalabas namin sa "room for rent" ni manong… let’s just say I’ve never been happier I got out of there alive!!! Bakit kamo?

Isa-isahin natin:

1) Entrance – pagpasok sa garahe, may steep na wooden ladder… and by steep, I mean “I-fear-for-my-life” kind of steep! Plus, madilim din… Feeling ko kung dito ako titira… 8/10 times ako maaaksidente sa hagdan pa lang! Take note… nasa entrance pa lang tyo…

2) CR – too small!(this, in itself is a deal-breaker!) Walang water tank yung toilet bowl. There were stains on the wall (blood stains??? …i don't wanna know!!)…. Dead body na lang ang kulang, crime scene na…

3) Kitchen area – food prepared in this area should be considered a biological weapon….

4) Room – first question that popped in my head.. “Manong, may sinalvage ba dito?”

So far, dyan pa lang kme nagpupunta… hopefully, before this week ends, makahanap na kme ng maayos-ayos na apartment…

Monday, June 27, 2005

the first...

hhmmnn.....my very first blog... what can i say?!
im not really the type who would write something for "public consumption", so i find posting something here pretty awkward... but what the hell!
as ms. joy (our team-building facilitator) said, anything that pushes you out of your comfort zone is a good learning experience... so here i am... in a not-so-comfortable-zone... with high hopes of learning... growing...