so ngayong officially jobless na ako, what's next?
1. maglinis at mag-ayos ng mga gamit
sandamakmak na mga gamit ang nakatambak sa kwarto ko ngayon, dumagdag pa yung mga bagay na dala ko from the office... grabe, napakakalat talaga. i'll post the pics of my room pag na-ayos ko na, para ma-motivate akong matapos sya ASAP.
2. mag-ayos ng pc files
kung gano kagulo ang kwarto ko, malamang mas magulo pa dun ang mga files ko. ang mas masaklap pa dyan, kalat-kalat pa sila. may files sa pc ko(yung nasa kwarto ko), may files sa isa pang pc(yung nasa may sala), may files din sa external HD ko, isama pa nating yung 2GB at 1GB flash disks ko... so good luck na lang sa akin...
3. mag-collect ng mga necessary documents
if ever matuloy ako sa SG, kelangan ko nang i-collect ang lahat ng documents na kaya kong i-collect bago ako umalis. kahit yung mga di ko pa kelangan. you'll never know, baka magkaroon ng cases na kelangan pla sya. mahirap nang kumuha pag wala ka na sa pinas.
4. catch up on my reading
dami kong books na di pa nababasa.... may binigay pa yung projectmates ko na book about photography(thanks guys!). tsaka si donna din binigyan ako ng uber cool (and heavy) book(thanks donna!). can't wait to read them all... :)
5. play the guitar
tagal ko na ding di ito nagagawa... wawa naman yung guitara ko, wala ng pumapansin sa kanya.
6. practice photography
gagawin ko siguro ito after ko mabasa yung 2 books na nakuha ko.
so far yan pa lang ang mga naiisip kong gawin.
syempre may matinding pahinga in between... :)
ja, magpapaka-taong grasa muna ako... :)
Sunday, June 24, 2007
plano, plano, plano...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment