Wednesday, February 08, 2006

Oras...

Mula ng bata pa ako, binibigay na sa akin ang lahat (well, not all... di ko nakuha yung puting kabayo nung 4years old pa lang ako...)

Yes, I admit, I was (or am) one hell of a spoiled brat...

Pero meron akong gusto na minsan ko lang makuha...
Oras...

Hindi ko masisisi ang mga magulang ko,
Pareho silang nagta-trabaho pra mabigay sa aming magkakapatid ang lahat ng kelangan namin at higit pa...
Pero syempre, iba pa rin tlaga pag alam mong pinag-uukulan ka ng panahon.
Hindi kse yan nabibili... at minsan, isa rin syang sakripisyo...

Kaya gusto kong magpasalamat sa mga taong nagbigay sa akin ng oras ngayong araw (at noong mga nakaraang araw) ...
lalong-lalo na dun sa mga taong di ko inaasahan na nandyan lang pla kung kelangan ko...

---
Eeyore: HOY!!! KAPAG NALULUNGKOT KA DYAN... I-JABBER MO LANG AKO... or KAME... kht sino... hehehehe


May split personality ka pla... hehehe.., sabi ko na nga ba... Baliw ka rin... hehehe... joke lang... natawa talaga ako nung sinabi mo yan... ang lumanay kase ng flow ng usapan natin, tpos bigla ka na lang sumigaw... hehehe... Pro salamat... salamat tlaga...

---
Toothbrush-pal: wag ka mag-alala...para sayo, 2 beses akong magttoothbrush para parang hindi ka nawala sa tabi namin... :P

Simula nung binigyan mo ako ng antlers, dun ko na-realize... “Baliw din itong isang 'to...“hehehe... Salamat. Dahil 2 beses ka nang nag-to-toothbrush pag lunch, di na lang din ako mag-to-toothbrush... hehehe... malamig naman e... (hehehe... connection???)

---
b. jr. : elow po ate nina. msta japan? :D


thanks for asking... Wag kang mag-alala... magiging japayuki ka rin balang araw... hehehe... At sana winter din pag pumunta ka dito, pra magsisi ka nung sinabi mo na masarap pag may snow...hehehe... joke lang... basta aral lang ng aral ng diameter, oks? Hehehehe...

---
b. sr : ano nang nakain mong exotic?


Hehehe... pagkain na naman ang topic natin... Atleast, for the first time, nag-agree tyo sa isang bagay regarding food... Hindi masarap ang natto... hehehe...sana mag-abot tyo dito sa japan... pra meron kaming “food guide” ni frank... hehehe...

---
Sa lahat ng nakakaalala...
Sa lahat ng mga kaibigang madalas kong makausap...
salamat...

Maraming salamat sa oras.. :)

No comments: