Wednesday, July 13, 2005

Habang nasa bus...

tahimik akong naka-upo sa bus at nakikinig ng mp3 sa cel fone ko. nung tumakbo na ang bus, nagpatugtog ang driver. ok lang, di naman masyadong malakas kaya hindi istorbo sa pakikinig ko ng mp3. maya-maya, may mamang pumipito sa may upuan sa likod ko... ang lakas, as in feeling nya cguro part yung nguso nya sa isang orchestra. nakaka-inis!!! buti kung nasa tono!!! gggrrrr.... bwusit.... mga ilang kanta nya rin yun ginawa... once in a while naman tumitigil sya (at ako naman nagdadasal na sana hindi na sya pumito uli... much to my dismay)
sa maiksing panahong tumahimik si mamang sipol, yung katabi ko naman ang nambwusit... kumanta!!! gggrrr!!! kakainis!!!! ang pinapatugtog sa radio: "you'll be safe here" ng rivermaya. hala, sige, kanta... wala na nga sa tono, mali-mali pa ang lyrics.. "close ur eyes... dis a fear...." WTF!!!! gggrrr.... kakainis na tlaga... at habang nag-co-concert na ang katabi ko, naisipan ni manong sipol na kulang pa ng ingay! sumabay na rin sya!!! P#$@#^$#^!!! sa loob-loob ko, kung di lang masamang pumatay ng tao.... gggrrr.... At cguro na-sense ni God na baka maging mamamatay-tao nga ako..... himalang biglang pinatay ni manong driver ang radio!!! hallelluia!!! MAY HIMALA!!! (o di kaya na-badtrip na rin c manong driver!!) pro feeling ko tlaga nabunutan ako ng tinik.... haaayyy.... ang sarap pakinggan ng ugong ng makina, ng bakal na pinto, at higit sa lahat, ng aking mp3.....

No comments: