I’ve been reading stuff…. Pro ni isa sa kanila, hindi ko matapos-tapos…. Ito sila…
Blood and Gold (one of Anne Rice’s vampire chronicles)
- Since pdf ito, binabasa ko sya sa bahay, habang naghihintay na mag-connect sa net.
Waiting to Exhale (Terry Mcmillan)
- Tagal na nito…Nabili ko ito sa book sale…. Mura lang, kaya pinatulan ko na…. Although hindi ito ang tipo ng book na gusto kong basahin, testing lang ba?!.. For bus/mrt reading sya (pag maluwag at hindi ako naka-upo)
The Kruetzer Sonata (Short Story by Leo Tolstoy)
- HTML ito, naka-store sa fone ko. Gusto ko yung author, kaya ko binabasa. Binabasa ko pag nasa bus/mrt at naka-upo sa isang “secure location” (yung mahihirapan yung snatcher kunin yung fone ko… kung meron mang snatcher sa tabi-tabi)
Jhunalyn: Pangalan pa lang, Katulong na (Kalokohan ng kung sino)
- Pdf din ito, courtesy ng isang officemate. Binabasa ko during break from work, kapag inaantok…. Nakakatawa kse… hehehehehe. Pakonti-konti lang naman… hehehehe… di naman tipong buong araw…mawawalan ako ng trabaho nyan… =)
RFC 3015 (RFC ng MEGACO)
- Html din. Kelangan basahin pra sa new project… since isa syang RFC…. It’s meant to be boring… naiintindihan ko kung bakit hindi ko ito matapos basahin…..
bakit nga ba hindi ko sila matapos-tapos???
Sabi ng friend ko, baka daw reflection sya ng personality ko… masyado daw akong maraming gustong gawin, kaya I end up not accomplishing anything at all…Wala daw akong focus at clear sense of direction. Kitang-kita daw sa mga binabasa ko…. Sabog…walang particular theme/genre.
Hmmnnn… I must admit… may sense yung sinabi nya….
I’m in a place in my life right now na enjoy naman ako sa work ko, pro somehow, marami pa kong gustong gawin…. Natatakot ako na baka if I wait any further, baka it’s too late na…baka matanda na ako…
paranoid ba masyado???
oh, well, Kelan ko kya sila matatapos?
---
Funny how the simple things we do reflect the complexities of who we really are…
Friday, July 01, 2005
Kelan ko kya sila matatapos???
Posted by neni at 1:36 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment